Luid ka, Abe!
Isang Aeta graduate mula sa Barangay Camias, Porac, Pampanga ang matagumpay na nakapasa sa March 2026 Medical Technologist Licensure Examination, na nagsisilbing malaking inspirasyon sa komunidad ng mga katutubo.
Si Rolan Popatco Jr. ay isang scholar ng Educational Assistance Program (EAP) ng National Commission on Indigenous Peoples, na nagpamalas ng sipag, tiyaga, at determinasyon upang maabot ang pangarap na maging lisensyadong medical technologist.
Ayon sa NCIP, ang kanyang tagumpay ay hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi nagsisilbi ring inspirasyon sa mga Katutubong Pilipino na patuloy na nagsusumikap para sa mas mataas na edukasyon at propesyon.
Nagtapos si Popatco ng Medical Technology sa College of Our Lady of Mt. Carmel sa Pampanga.
#OnePampanga #StrongerPampanga