Pampanga, isinailalim na sa Signal#2 dulot ng Bagyong Ramil
Itinaas ng PAGASA ang Signal #2 sa Pampanga bilang paghahanda sa paparating na hagupit ng Bagyong Ramil, na kasalukuyang nasa baybayin ng Mauban, Quezon.
🔸 Signal #2 Details:
• Banta ng Hangin: Malakas na hangin
• Warning Lead Time: 24 oras
• Bilis ng Hangin: 62–88 km/h (Beaufort 8–9)
Kabilang sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal #2 sa Luzon ang mga lalawigan ng Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Aurora, Pangasinan, at bahagi ng Zambales, Metro Manila, Rizal, Laguna, at Quezon, kasama ang Polillo Islands.
Samantala, nananatiling nasa Signal #1 ang ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, at Bicol Region.
Pinapayuhan ang publiko na mag-ingat, patuloy na magmonitor sa mga weather advisory ng DOST-PAGASA, at iwasan ang mga lugar na madalas bahain o landslide-prone.
📍 Source: DOST-PAGASA