Ayon sa pinakabagong track forecast ng DOST-PAGASA, isang panibagong tropical depression ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa gabi ng Biyernes, Nobyembre 7, o sa umaga ng Sabado, Nobyembre 8. Papangalanan itong “Uwan” pagpasok nito sa PAR.
Inaasahan itong magla-landfall sa pagitan ng Northern at Central Luzon sa Lunes, Nobyembre 10. Batay sa forecast, mabilis itong lalakas—posibleng maging typhoon pagsapit ng Biyernes at super typhoon pagdating ng Sabado.
Ang pinakamataas na posibleng itaas na Tropical Cyclone Wind Signal ay Signal No. 5, na maaaring magdulot ng delikado at matinding kondisyon ng panahon sa Northern at Central Luzon sa Nobyembre 10–11. Posible ring magkaroon ng storm surge at pagbaha sa mga baybaying bahagi, lalo na sa hilagang Luzon at silangang bahagi ng Central Luzon.
📍 Source: DOST-PAGASA